What I want to talk about...

... this world. The world that has been a big treasure chest for me. A treasure chest filled with all things inside, either be good or bad, either useful or useless. And in this blog, I will talk about them, tackle them and write about them from my own understanding and perspective... hope you'll like it.

Wednesday, June 10, 2009

Isang Pagbati

A tribute to our first year aspirants done by the prenovices

Sa inyong pagdating kami'y nayanig,
Pagkat magulo pa saan mang panig ng seminaryo,
Sa paglilinis kami'y lagari,
Walang patid na pag-iimis siyang aming gawi.

Ang inyong pagdating ay siyang aming batid,
Ligaya ay sa amin hatid,
O anong saya na kayo'y aming makita,
Sasalubungin na may ngiti sa mukha.

Sa inyong paglisan sa inyong tahanan,
Wag mangamba; ang luha'y punasan,
Pagkat ang pamilyang iniwan ay mapapalitan
ng mga taong kay Kristo'y may kapatiran.

Aming papawiin ang inyong lumbay,
Pagkat iyon kaibigan ang aming pakay,
Sa Canlubang bukas ang ating buhay,
Sabay-sabay tayong maglalakbay.

Ngayon kayo ay naririto,
Sa punlaang inyong ginusto,
Ang pananahan niyo rito sana ay lubos,
Oras dito ay walang paltos,
Sa mga gawaing makaDiyos.

Sa inyong pagdating ito ang aming pagbati,
Pagkat isang taon na naman ang napawi,
At bagong taon ay ating bubunuin,
Sa buhay na ibig nating tahakin,
Kasama si Maria na ating ina,
At si Don Bosco na ating ama.

Monday, June 8, 2009

The Poet in Me

The sole survivor

Ended up on this deserted place,
got no person and a place to go,
i feel alone,
haunted by misery,
thinking 'would I survive such a place?'
knowing, I'm the only survivor from that ruined race...

It's all our fault

I see how it fall,
But I've seen it on its glory,
I've seen how it was better,
Now, it's on its worst.

We all live there,
We all do,
some would care, some just don't
some would fight for it, but some let it die.

Now it dies, and so are we,
Lost on this vast galaxy,
we end up no place to go,
no to place to live,
now we are challenged to live on this,
how long are we going to take this?

It's all our fault,
our carelessness and less-concern,
on the mother who provided us much.
We became greedy and not-minded her need,
Now she takes revenge as she perish.
It's all our fault.

The step down

The little imp I have in me,
who bothers and lead me to sin,
now, I take the courage to put it down,
giving it a giant step,
to crush such foolishness and fore go the devilish me.

As I give this imp a crushing step,
I promise to crush the evil in me,
and now, I crush it,
to end the evil in me.

Monday, March 2, 2009

Pain

My first entry to the Writer's Block group challenge, Challenge 57:

Pain

a burden for a heart that cries,
a broken love that never dies.
things that shouldn't be recalled,
ends up with miseries on it's toll.

broken heart's heavy package,
thing shouldn't be open for ages,
and be forgotten for ever,
and be left to the old man's chest.

but pain is a real hurt,
something that should not be talked about,
but will help you gain a lot,
and with it, lessons you'll learn.

Tuesday, February 24, 2009

At last...

After a long time of prayer, discernment and consultations to my formators and other people who are involve in my formation, I have passed my application letter already, yesterday, during the commemoration mass of Mary Help of Christians. It was really an awaited experience for me, since I’m going to renew my commitment for this vocation, the journey I wish to take for the rest of my life.

As I reflect upon what happened yesterday, I know I was so nervous because of my decision. But I also felt happiness and contentment from within me, since that was what I really wanted to do and I expressed it through that letter. As I reminisced, I have written the draft of that letter for so many times and even up to the last day before the submission, I’m still doubtful of my decision, but I know I have the right one. As I pass that letter, yesterday, I’m still praying to God hoping that I’ve made the right decision and that decision would be in-line to His. Now, I’m praying and waiting for the result of it. Hope it’s good.

Thursday, February 19, 2009

Wednesday, December 17, 2008

My Christmas Message

Let this be my message to all of you, my friends:

"THIS CHRISTMAS WE SHARED A LOT OF GIFTS WE DIDN'T NOTICE THAT WE WERE ABLE TO SHARE TO OTHER PEOPLE, JUST LIKE HOW OUR GOOD LORD SHARED HIS GREATEST GIFT TO US - JESUS."

THANK YOU FOR SHARING TO ME THE GIFT. MAY YOU AND YOUR FAMILY HAVE A JOYOUS CHRISTMAS AND A FRUITFUL NEW YEAR!

Saturday, October 4, 2008

MY FIRST FILIPINO SHORT STORY!!!

This is my first Filipino short story. I just write this for a friend whom I made fun...hehehe...;p...well, I hope you enjoy reading it...just read it...I somehow find the story a bit scandalizing...hehehe...;p. Enjoy!

HINDI DAPAT 

"Magandang araw po."  Pagtingin  ni Lisa sa kanilang bintana ay isang sulat ang inihagis sa kanya ng mensahero na nagbigay ng "magandang araw."   Dahan – dahan niyang ginupit ang isang dulo ng sobre, tiningnan, nangunot ang noo at sabay tawa ng malakas.  

"Ha, ha, ha.  Nasisira yata ang ulo ni JP!" ang nasabing tatawa-tawa.

Ang totoo ay hindi sukat akalain ni Lisa magkakaroon ng lakas ng loob si JP na magpapahayag sa kanya ng pag-ibig.  Silang dalawa ay magpinsan.  Makipagsintahan siya kay JP ay walang ano – ano’y magiging usapan ng bayan na sila ang magpinsang nag - iibigan.   Kay laking kahihiyan, nun!  At saka si JP, para sa kanya, ay hindi pa naman tunay na binata kundi bago pa lamang nagbibinata.   Noong huli lamang ay hindi marunong mag-ayos ng sarili si JP.  Noon lamang mga nakararaang taon ay lagi silang magkasama sa paglalaro.   Madalas pa siyang pinasasalubungan ni JP ng mansanas galling sa kanilang tindahan na pagkatapos ay pinagsasalunan nilang dalawa. Kung tanghaling tapat ay madalas silang pagalitan ng kanyang ina dahil sa hindi nila pagtulog sa hapon at nalilibang sa paglalaro ng kung anu-ano sa labas ng bahay. Ganon na lamang ang sarap ng kanilang matalik na pagsasama na para bang silang dalawa ay katulad ng tunay na magkapatid.  Kaya lamang sila nagkahiwalay ay nang pumasok na siya sa kolehiyo.  Nagkaiyakan pa sila nang matagal dahil sa pangambang makalimutan ang isa't-isa.  Awang-awa siya kay JP.  

Ngunit noon ay mga batang musmos pa lamang sila. Marami ng araw at taon ang nakalipas. Nang lisanin ang kolehiyo sapagkat hindi na kayang tustusan ng kanyang magulang ang pag –aaral ay halos magdadalaga na siya.  Sa kanyang ala-ala ay malabo na ang kinabukasan sapagkat hindi niya matapos ang nais na kurso – pagiging inhinyero.  Nagdaan ang masayang kabataan nila ni JP na hindi na niya gaanong maalala. Nang magkita sila ng kanyang pinsang binata, pagkaraan ng mahabang panahon ng pagkakahiwalay, ay nagkahiyaan sila, kung bakit ay hindi nila makuhang sagutin, at hindi nila makuhang magbatian.  Si JP ay nabighani sa kanyang ningning at ganda, samantalang siya naman ay nanibago kay JP.  “Binata na pala ito!”  Ang nasabi sa kanyang sarili.  Buhat noon, kung sila'y magkasalubong ay tumutungo siya upang mailagan ang mata ng kanyang pinsang binata at si JP naman ay lumilihis ng daan dahil sa malaking pagkahiya at pag-aalang-alang sa kanyang pinsang dalaga.  

Kaya ganoon na lamang ang gulat ni Lisa ng tanggapin niya ang sulat ni JP.   

"Marunong na palang lumigaw ang pilyo," ang wika pang nakangiti 

Ipinalagay niyang si JP ay nahihibang o kaya'y nagbibiro lang. Kaya hindi pinansin ang liham ng binata.  Saka ang pag-ibig ay hindi pa rin naman nagigising sa kanyang puso.  

Pagkaraan ng mahigit na dalawang linggo ay nagsisi si JP kung bakit siya nakapagtapat pa kay Lisa ng kanyang saloobin. Wala nga namang dapat pagsisihan.  Ngayon na lamang niya naintindihan na  malayo siyang ibigin ng kanyang magandang pinsan.  Si Lisa ay tanyag na tanyag sa mga lipunan, mula ng lumabas sa kolehiyo, samantalang siya'y palad ng makadalo sa isang piging minsan sa isang buwan.  Maraming maginoo at propesyonal na binata na nangingibig kay Lisa samantala siya ay isang estudyante pa lamang na pinakakain at pinaghihirapan ng kanyang ama.  Naintindihan niya na isa nga naman kabaliwan ang kanyang pag-ibig.   Lalong lumalim ang kanyang pagkahiya sa harap ni Lisa.  Kung minsang sila'y nagkakatagpo sa isang sayawan o piging ay hindi niya magawang sumulyap man lamang sa mukha ng kanyang pinsang dalaga, habang ito'y ngingiti-ngiti at parang nagsasayang-loob ang makitang siya'y labis na naguguluhan 

Nguni't ano ang kanyang gagawin?  Siya ay lalaki at lalaking may puso.  Ang tibok ng puso ay makapangyarihan.  At hindi maaaring pigilin, lalong mahirap at hindi mangyayaring limutin niya si Lisa.  Si Lisa ay inibig na niya at minahal, sinundan-sundan ng paningin at ninanais ng buong kaluluwa mula pa sa kanilang kabataaan.   Ang isang bagayna tumimo na sa kanyang diwa at tumanim sa puso sa panahon ng kamusmusan, ay hindi  na malilimot at mamamatay sa habang panahon.  “Ang mga ala-ala ng ating kabataan ay siyang matamis sa lahat, sariwa sa lahat at mahal sa lahat” bulong ni JP sa sarili habang nakikita ang marikit na iniirog.  Talagang si JP ay hindi nakalimutan si Lisa.  Ewan nga lamang niya kung bakit nawala na sa isip ng dalagang yaon ang kanilang kahapong puno sa kaningningan ng mga musmos na kaisipan at mangamoy sa pabango ng kawalang-malay.   Wala nang masakit na alalahanin na gaya ng mga ala-alang nagbabalik sa gunita ni JP.  Ngayon siya'y nasa gitna ng luha at lungkot.

Nang hindi nagtamo ng tugon ang ikalimang sulat ni JP kay Lisa, ay naisip ng binata na hindi na siya muli pang susulat sa pinsang walang puso.  Naisip niyang sayang lamang ang panahon at pagod nang magpakabaliw sa isang bagay na hindi matatamo.  Ang pag-ibig ay may dalawang hanggahan luwalhati at pagtitiis.  Ngunit sa pagtitiis siya itinalaga ng tadhana ay tila kabaitan ang sumang-ayon sa guhit ng kanyang palad.   May araw ding mapapansin niuoman ang kanyang kalungkutan at pagdurusa.  Sadyang ang ano mang pangarap na mahalaga at dakila ay hindi natutupad sa iisang gabi.  Kinakailangang maglamay at magpakasakit, maghirap at lumuha.

Pinag-ibayo na lamang ni JP ang pag-aaral.  Kung siya'y makatapos na ng karera, sa kahit ano mang paraan ay hindi na kahiya-hiyang mangibig kahit kanino.  Ang titulo ay isang sandata na malaki ang nagagawa.  Kung wala mang paglingap si Lisa sa kanya ngayon baka kung siya ay isang doktor na ay lumambot din ang puso at masira ang kalooban ng pinsang walang awa.  Kaya nagsunog ng kilay at halos patayin na ni JP ang sarrili sa pag-aaral.

Samantalang si Lisa ay patuloy sa kanyang pagkabulaklak ng lipunan.  Kung sabagay ay hindi naman siya katulad ng ibang dalagang pag natatanyag na sa gitna ng sinungaling na sosyedad ay nagkakaroon ng marungis na ugali ang dati’y magandang dangal at ang angking kabanguha'y na pagsasamantalahan ng ilang mapagsamantala. Si Lisa ay hindi ganun.   Habang siya ay nangingibabaw ay lalo siyang nagpapakalinis at nagpapabuti, lalong pinag-iibayo ang kanyang kababaang-loob, at katamisan ng ugali, lalong sinikap na siya'y maging karapat-dapat sa mata ng bayang nakabantay sa kanyang mga kilos 

Pagkaraan pa ng tatlong taon ay nagtapos din si JP sa pagka-manggagamot. Isang batang-batang manggagamot na hinihintay ng magandang pag-asa at pinatatapang ng lalong matatamis na pangarap.  Datapwat kung ano ang tagumpay ngayon ni JP ay siya namang kabiguan ni Lisa.  Dahil sa malabis na pagpupuyat gabi-gabi sa kung saan-saang sayawang idinaraos ng gayo't ganitong samahan, bukod pa sa panonood ng mga sine, ang magandang katawan ni Lisa ay hindi nakatagal.  Siya'y dumura ng dugo at unti-unting nangayayat Dahan-dahang nalanta ang rosas sa kanyang dalawang pisngi at lumalim ang  kanyang mga mata.

Nang mabalitaan ni JP ang kaawa-awang kalagayan ni Lisa ay dali-daling inihandog ang kanyang tulong.   Ang pinsang dalaga ay tumalima naman sa kanya.  Ang buong panahon at pagsisikap ni JP ay inukol na lahat sa pagpapagaling ng karamdaman ng kanyang minamahal.  

"Malulunasan mo pa kayo ako, JP?" ang tanong sa kanya pinsang may sakit.

"Oo, gagaling ka, pagagalingin kita, aalagaan kita," ang masuyong tugon ni JP.

Isang matamlay na ngiti ang itinugon ng dalaga.  Inilipat ni JP si Lisa sa kanyang bahay-bakasyunan sa mataas at malamig na lugar ng Baguio. May apat na buwan na si Lisa sa kanyang tirahan. Ang sariwa at malinis na simoy ng hangin, ang mabibiyaya at katangi-tanging singaw ng nagmumula sa mga bundok at ang mabuting paraan ng panggagamot ni JP ay siyang nakatulong upang lubusang gumaling ang karamdaman ng paralumang maysakit.  May dalawang buwan pa lamang si Lisa sa itaas ng Baguio ay tumigil na ang pagdura ng dugo, sumunod ang pagkapawi ng ubo sa gabi at sa umaga.  Nanumbalik din ang dating mapulang kulay sa kanyang mukha at gayundin rikit ng kanyang katawan.

Isang malamig na gabi, ang buwan ay parang nakabitin sa langit na halos mangasul-ngasul, si JP at si Lisa ay mapayapang naka-upo sa at nagkakape sa may beranda ng kangyang bahay.
"Salamat sa iyo, JP," anang binibiro, "utang ko sa iyo ang aking buhay.   Ano kaya ang maibabayad ko sa iyong kagandahang loob?"

"Lisa," sabi naman ng binata. "Pinagaling ko ang iyong sakit sa tulong ng Maykapal. Dapat ang karamdaman ko naman ang iyong bigyang lunas."
"Anong karamdaman mo?"

"Ang karamdaman ng aking puso."

"Aba, si JP, hindi mo pa ba nakakalimutan ang bagay na iyan?" 

"Kailan man ay hindi!  Ang aking pag-ibig sa iyo ay malala kaysa ano mang sakit, Lisa, lalong malubha."

"Ano ang sasabihin sa atin ng tao?  Magpinsan tayo'y..."

"Sa pagsinta ay walang magpinsan,” ang putol ni JP. "Lalong mabuti sapagka't iisa ang dugong dumadaloy sa ating mga ugat, iisa ang ating damdamin, iisa ang ating diwa at puso. At bakit natin pakikinggan ang sasabihin ng ibang tao kung tayo naman ay tunay na nagmamahalan? Ang dila ng tao ay sadyang makasalanan at hindi tunay kung maghusga. Alalahanin mo ang ating kabataan, ang pagmamahalan natin  noong tayo'y mga batang musmos at inosente pa lamang. Hindi ka ba nanghihinayang sa lahat ng yaon kung ikaw o ako, ngayong ikaw ay may gulang nang ganap, ay mapasaibang kamay at mapasaibang dibdib?"

"Ngunit"

"Huwag ka ng magdahilan, Lisa. Sabihin mo na sa aking ako'y minamahal mo rin tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Ang laman ng iyong puso ay nakikita sa iyong mga mata, kaya huwag mo na sanang susian ang iyong bibig.”

Hindi na nakuhang mangatwiran ng dalaga.  Ang katotohanan ay matagal na rin siyang umiibig nang lihim sa kanyang tinuring na pinsan at mula ng nanariwa sa kanyang puso ang matamis na ala-ala ng kanilang kabataang yumao.

Bago sila naghiwalay ng gabing yaon at magtungo sa kani-kanilang silid ay pinabaunan muna niya si JP ng isang matamis na halik at inabutan ng isang bulaklak.

"Hayan ang aking pag-ibig."

"Pag-aralan mo sanang mahalin."

Ngunit sa pag-abot ni Lisa ng bulaklak ay hinila siya ng binata papalapit at binugbog ng sunud-sunod na halik. Halos buong puso namang niyang tinugun ang pagmamahal ng binata at buong magdamag, silang dalawa’y magkayakap at nagpapalitan ng matatamis na halik. 

Nabalitaan na lamang ng lahat sa kahanga-hangang siyudad na rin ng malamig na Baguio idinaos ang kasalan ni Lisa at ni JP.