"Magandang araw po." Pagtingin ni Lisa sa kanilang bintana ay isang sulat ang inihagis sa kanya ng mensahero na nagbigay ng "magandang araw." Dahan – dahan niyang ginupit ang isang dulo ng sobre, tiningnan, nangunot ang noo at sabay tawa ng malakas.
"Ha, ha, ha. Nasisira yata ang ulo ni JP!" ang nasabing tatawa-tawa.
Ang totoo ay hindi sukat akalain ni Lisa magkakaroon ng lakas ng loob si JP na magpapahayag sa kanya ng pag-ibig. Silang dalawa ay magpinsan. Makipagsintahan siya kay JP ay walang ano – ano’y magiging usapan ng bayan na sila ang magpinsang nag - iibigan. Kay laking kahihiyan, nun! At saka si JP, para sa kanya, ay hindi pa naman tunay na binata kundi bago pa lamang nagbibinata. Noong huli lamang ay hindi marunong mag-ayos ng sarili si JP. Noon lamang mga nakararaang taon ay lagi silang magkasama sa paglalaro. Madalas pa siyang pinasasalubungan ni JP ng mansanas galling sa kanilang tindahan na pagkatapos ay pinagsasalunan nilang dalawa. Kung tanghaling tapat ay madalas silang pagalitan ng kanyang ina dahil sa hindi nila pagtulog sa hapon at nalilibang sa paglalaro ng kung anu-ano sa labas ng bahay. Ganon na lamang ang sarap ng kanilang matalik na pagsasama na para bang silang dalawa ay katulad ng tunay na magkapatid. Kaya lamang sila nagkahiwalay ay nang pumasok na siya sa kolehiyo. Nagkaiyakan pa sila nang matagal dahil sa pangambang makalimutan ang isa't-isa. Awang-awa siya kay JP.
Ngunit noon ay mga batang musmos pa lamang sila. Marami ng araw at taon ang nakalipas. Nang lisanin ang kolehiyo sapagkat hindi na kayang tustusan ng kanyang magulang ang pag –aaral ay halos magdadalaga na siya. Sa kanyang ala-ala ay
Kaya ganoon na lamang ang gulat ni Lisa ng tanggapin niya ang sulat ni JP.
"Marunong na palang lumigaw ang pilyo," ang wika pang nakangiti.
Ipinalagay niyang si JP ay nahihibang o kaya'y nagbibiro lang. Kaya hindi pinansin ang liham ng binata. Saka ang pag-ibig ay hindi pa rin naman nagigising sa kanyang puso.
Pagkaraan ng mahigit na dalawang linggo ay nagsisi si JP kung bakit siya nakapagtapat pa kay Lisa ng kanyang saloobin. Wala nga namang dapat pagsisihan. Ngayon na lamang niya naintindihan na malayo siyang ibigin ng kanyang magandang pinsan. Si Lisa ay tanyag na tanyag sa mga lipunan, mula ng lumabas sa kolehiyo, samantalang siya'y palad ng makadalo sa isang piging minsan sa isang buwan. Maraming maginoo at propesyonal na binata na nangingibig kay Lisa samantala siya ay isang estudyante pa lamang na pinakakain at pinaghihirapan ng kanyang ama. Naintindihan niya na isa nga naman kabaliwan ang kanyang pag-ibig. Lalong lumalim ang kanyang pagkahiya sa harap ni Lisa. Kung minsang sila'y nagkakatagpo sa isang sayawan o piging ay hindi niya magawang sumulyap man lamang sa mukha ng kanyang pinsang dalaga, habang ito'y ngingiti-ngiti at parang nagsasayang-loob ang makitang siya'y labis na naguguluhan.
Nguni't ano ang kanyang gagawin? Siya ay lalaki at lalaking may puso. Ang tibok ng puso ay makapangyarihan. At hindi maaaring pigilin, lalong mahirap at hindi mangyayaring limutin niya si Lisa. Si Lisa ay inibig na niya at minahal, sinundan-sundan ng paningin at ninanais ng buong kaluluwa mula pa sa kanilang kabataaan. Ang isang bagayna tumimo na sa kanyang diwa at tumanim sa puso sa panahon ng kamusmusan, ay hindi na malilimot at mamamatay sa habang panahon. “Ang mga ala-ala ng ating kabataan ay siyang matamis sa lahat, sariwa sa lahat at mahal sa lahat” bulong ni JP sa sarili habang nakikita ang marikit na iniirog. Talagang si JP ay hindi nakalimutan si Lisa. Ewan nga lamang niya kung bakit nawala na sa isip ng dalagang yaon ang kanilang kahapong puno sa kaningningan ng mga musmos na kaisipan at mangamoy sa pabango ng kawalang-malay. Wala nang masakit na alalahanin na
Nang hindi nagtamo ng tugon ang ikalimang sulat ni JP kay Lisa, ay naisip ng binata na hindi na siya muli pang susulat sa pinsang walang puso. Naisip niyang sayang lamang ang panahon at pagod nang magpakabaliw sa isang bagay na hindi matatamo. Ang pag-ibig ay may dalawang hanggahan: luwalhati at pagtitiis. Ngunit sa pagtitiis siya itinalaga ng tadhana ay tila kabaitan ang sumang-ayon sa guhit ng kanyang palad. May araw ding mapapansin niuoman ang kanyang kalungkutan at pagdurusa. Sadyang ang ano mang pangarap na mahalaga at dakila ay hindi natutupad sa iisang gabi. Kinakailangang maglamay at magpakasakit, maghirap at lumuha.
Pinag-ibayo na lamang ni JP ang pag-aaral. Kung siya'y makatapos na ng karera, sa kahit ano mang paraan ay hindi na kahiya-hiyang mangibig kahit kanino. Ang titulo ay isang sandata na malaki ang nagagawa. Kung wala mang paglingap si Lisa sa kanya ngayon baka kung siya ay isang doktor na ay lumambot din ang puso at masira ang kalooban ng pinsang walang awa. Kaya nagsunog ng kilay at halos patayin na ni JP ang sarrili sa pag-aaral.
Samantalang si Lisa ay patuloy sa kanyang pagkabulaklak ng lipunan. Kung sabagay ay hindi naman siya katulad ng ibang dalagang pag natatanyag na sa gitna ng sinungaling na sosyedad ay nagkakaroon ng marungis na ugali ang dati’y magandang dangal at ang angking kabanguha'y na pagsasamantalahan ng ilang mapagsamantala. Si Lisa ay hindi ganun. Habang siya ay nangingibabaw ay lalo siyang nagpapakalinis at nagpapabuti, lalong pinag-iibayo ang kanyang kababaang-loob, at katamisan ng ugali, lalong sinikap na siya'y maging karapat-dapat sa mata ng bayang nakabantay sa kanyang mga kilos.
Pagkaraan pa ng tatlong taon ay nagtapos din si JP sa pagka-manggagamot. Isang batang-batang manggagamot na hinihintay ng magandang pag-asa at pinatatapang ng lalong matatamis na pangarap. Datapwat kung ano ang tagumpay ngayon ni JP ay siya namang kabiguan ni Lisa. Dahil sa malabis na pagpupuyat gabi-gabi sa kung saan-saang sayawang idinaraos ng gayo't ganitong samahan, bukod pa sa panonood ng mga sine, ang magandang katawan ni Lisa ay hindi nakatagal. Siya'y dumura ng dugo at unti-unting nangayayat. Dahan-dahang nalanta ang rosas sa kanyang dalawang pisngi at lumalim ang kanyang mga mata.
Nang mabalitaan ni JP ang kaawa-awang kalagayan ni Lisa ay dali-daling inihandog ang kanyang tulong. Ang pinsang dalaga ay tumalima naman sa kanya. Ang buong panahon at pagsisikap ni JP ay inukol na lahat sa pagpapagaling ng karamdaman ng kanyang minamahal.
"Malulunasan mo pa kayo ako, JP?" ang tanong sa kanya pinsang may sakit.
"Oo, gagaling ka, pagagalingin kita, aalagaan kita," ang masuyong tugon ni JP.
Isang matamlay na ngiti ang itinugon ng dalaga. Inilipat ni JP si Lisa sa kanyang bahay-bakasyunan sa mataas at malamig na lugar ng
Isang malamig na gabi, ang buwan ay parang nakabitin sa langit na halos mangasul-ngasul, si JP at si Lisa ay mapayapang naka-upo sa at nagkakape sa may beranda ng kangyang bahay.
"Salamat sa iyo, JP," anang binibiro, "utang ko sa iyo ang aking buhay. Ano kaya ang maibabayad ko sa iyong kagandahang loob?"
"Lisa," sabi naman ng binata. "Pinagaling ko ang iyong sakit sa tulong ng Maykapal. Dapat ang karamdaman ko naman ang iyong bigyang lunas."
"Anong karamdaman mo?"
"Ang karamdaman ng aking puso."
"
"Kailan man ay hindi! Ang aking pag-ibig sa iyo ay malala kaysa ano mang sakit, Lisa, lalong malubha."
"Ano ang sasabihin sa atin ng tao? Magpinsan tayo'y..."
"Sa pagsinta ay walang magpinsan,” ang putol ni JP. "Lalong mabuti sapagka't iisa ang dugong dumadaloy sa ating mga ugat, iisa ang ating damdamin, iisa ang ating diwa at puso. At bakit natin pakikinggan ang sasabihin ng ibang tao kung tayo naman ay tunay na nagmamahalan? Ang dila ng tao ay sadyang makasalanan at hindi tunay kung maghusga. Alalahanin mo ang ating kabataan, ang pagmamahalan natin noong tayo'y mga batang musmos at inosente pa lamang. Hindi ka ba nanghihinayang sa lahat ng yaon kung ikaw o ako, ngayong ikaw ay may gulang nang ganap, ay mapasaibang kamay at mapasaibang dibdib?"
"Ngunit"
"Huwag ka ng magdahilan, Lisa. Sabihin mo na sa aking ako'y minamahal mo rin tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Ang laman ng iyong puso ay nakikita sa iyong mga mata, kaya huwag mo na sanang susian ang iyong bibig.”
Hindi na nakuhang mangatwiran ng dalaga. Ang katotohanan ay matagal na rin siyang umiibig nang lihim sa kanyang tinuring na pinsan at mula ng nanariwa sa kanyang puso ang matamis na ala-ala ng kanilang kabataang yumao.
Bago sila naghiwalay ng gabing yaon at magtungo sa kani-kanilang silid ay pinabaunan muna niya si JP ng isang matamis na halik at inabutan ng isang bulaklak.
"Hayan ang aking pag-ibig."
"Pag-aralan mo sanang mahalin."
Ngunit sa pag-abot ni Lisa ng bulaklak ay hinila siya ng binata papalapit at binugbog ng sunud-sunod na halik. Halos buong puso namang niyang tinugun ang pagmamahal ng binata at buong magdamag, silang dalawa’y magkayakap at nagpapalitan ng matatamis na halik.
Nabalitaan na lamang ng lahat sa kahanga-hangang siyudad na rin ng malamig na
1 comment:
bloghop here :)
napadaan at nagbasa
xD
Post a Comment